Ibon at poultry products mula Netherlands, ban - DA
MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng temporary ban ang Department of Agriculture (DA) sa importasyon ng domestic, wild birds at poultry products mula sa The Netherlands matapos dumami ang kaso ng highly pathogenic avian influenza.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na layon ng import ban na mahadlangan ang pagpasok ng bird flu virus upang protektahan ang kalusugan ng local poultry industry, na isang multi-bilyong pisong negosyong nagpapasigla sa malalaking pamumuhunan, nagbibigay ng hanapbuhay at seguridad sa pagkain.
Unang iniulat ng Chief Veterinarian ng Ministry of Agriculture, Nature and Food Quality ng The Netherlands ang karagdagang outbreak ng H5 subtype ng avian influenza noong November 17 sa Putten, Gelderland na nakaapekto sa mga domesric birds. Ang presensiya ng bird flu virus ay kinumpirma ng Wageningen Bioverterinary Research.
Bilang agarang hakbang, nag-isyu si Secretary Tiu Laurel ng Memorandum Order no. 56 na nag-aatas sa Bureau of Animal Industry na suspendihin ang proseso at pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa importasyon ng domestic at wild birds mula sa The Netherland, kabilang na dito ang karne ng manok, day-old na sisiw, itlog at semilya na ginagamit sa artificial insemination.
Inatasan din ng Kalihim ang lahat ng veterinary quarantine officers at inspectors sa buong bansa na kumpiskahin ang mga produktong nagmula sa The Netherlands, maliban na lamang sa mga nakabiyahe na o nakarating na sa mga lokal na pantalan matapos mailabas ang order, o nakatay bago mag November 3. Exempted din sa import ban ang mga heat-treated products.
- Latest