^

Metro

2 sunog sumiklab sa Quezon City, 9 nalapnos

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 sunog sumiklab sa Quezon City, 9 nalapnos
Firefighters respond to a first alarm fire involving commercial buildings at Aurora Boulevard corner EDSA in Barangay Socorro, Quezon City on December 12, 2024.
Photo courtesy of Readycon Engine 624/Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Siyam katao ang nagtamo ng mga lapnos sa katawan sa magkahiwalay na sunog sa Quezon City.

Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), apat katao, dalawa dito ay babae ang sugatan sa sunog na naganap sa dating ACT Theater na  matatag-

puan sa kanto ng Aurora Boulevard at EDSA sa Brgy. Socorro sa lungsod, dakong alas-6:26 nitong Huwebes ng umaga na umabot sa unang alarma.

Nakontrol ang sunog dakong alas-8:09 ng umaga at naapula dakong alas-11:05 ng umaga, ayon sa BFP.

Ilang tindahan ng ukay-ukay sa unang palapag ng gusali ang kabilang din sa mga natupok ng apoy.

Samantala, hindi naman bababa sa limang katao ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Brgy. Tandang Sora nitong

Miyerkules ng gabi.

Tinupok ng apoy ang nasa 18 bahay na gawa sa light materials sa kahabaan ng General Avenue.

Ayon sa arson investigators, nagsimula ang sunog dakong alas-11:09 ng gabi  at umabot sa unang alarma bago naapula bandang 12:11 ng madaling araw.

Sinabi ni Chief Inspector Marvin Mari, ang chief operations officer ng Quezon City fire district, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na shanty.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na dalawang sunog.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with