^

Metro

Obrero inatado ng katrabaho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang pinagsasaksak at napatay ng kanyang mga katrabaho, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Romeo Barbosa Bersamin, 52, alyas Ome ng Barangay San. Pedro, Bagabag, North Nueva Viscaya at nagtatrabaho bilang pintor ng J3MS Construction.

Arestado naman ang isa sa mga suspek na si Kalevershan Arlan Castillo, 43, electrician, ng Brgy Baesa, Quezon City, habang pinag­hahanap sina Ernesto Mataverde, 26, pintor at Anthony Dematera, 28.

Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente dakong alas-12 ng mada­ling araw kahapon sa  loob ng  J3MS Construction na nasa Lanutan Street, Barangay Veterans Village, Project-7, Quezon City.

Sa salaysay ng saksing si “Mer”, dumating ang suspek na si Mataverde na lango sa alak at pinagbantaan siya kasunod ng pahayag na “PAPATAYIN KO LANG SI ROMEO”.

Agad na tinungo ni Mataverde ang barracks ni Bersamin habang nasa labas naghihintay sina Castillo at Dematera.

Nang makita ni Mataverde na tulog ang biktima, dito na niya ito inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas sina Mataverde, Castillo at Dematera subalit sa follow-up operation ng pulisya nadakip si Castillo.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa kaso.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with