^

Metro

Chinese, misis na Pinay na dinukot sa Metro Manila, natagpuan sa Batangas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Chinese, misis na Pinay na dinukot sa Metro Manila, natagpuan sa Batangas
Ayon sa inisyal na report, pasado alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes nang makarating sa isang animal quarantine checkpoint sa Diokno highway, sa Brgy San Gregorio, Laurel ang tungkol sa alarma sa pagkadukot mga biktimang sina alyas Shi, 36 at Pinay na misis na si Alyas Milagros, ng Sto. Niño Parañaque City.
Google Map

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga awtoridad sa Laurel, Batangas ang isang Chinese na lalaki at misis nitong Pinay na dinukot sa  Metro Manila.

Ayon sa inisyal na report, pasado alas-3:00 ng madaling araw ng Biyernes nang makarating sa isang animal quarantine checkpoint sa Diokno highway, sa Brgy San Gregorio, Laurel ang tungkol sa alarma sa pagkadukot mga  biktimang sina alyas Shi, 36 at Pinay na misis na si Alyas Milagros, ng Sto. Niño Parañaque City.

Humihingi ang mga ito ng tulong matapos na pakawalan sila sa mga hindi nakilalang kidnapper na kumidnap sa kanila.

Ayon sa mag-asawa, kinuha sila ng mga hindi nakilalang mga kalalakihan sa kanilang bahay sa Parañaque City at isinakay sa isang hindi matukoy na  kulay silver na sasakyan at ibiniyahe sa hindi nila alam na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na inabandona ng mga kidnaper ang dalawa sa may boundary ng mga ­bayan ng  Calaca at Laurel sa Batangas.

Hindi naman sinabi ng mga ito kung bakit sila pinakawalan ng mga kidnaper.

vuukle comment

ALYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with