Most wanted sa kasong sexual assault, 3 pang wanted nasakote
MANILA, Philippines — Nasakote ang 19-anyos na top. 1 most wanted na sangkot sa two counts of rape at two counts of sexual assault, sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.
Ang akusado na si alyas “Toby”, Rank 1 most wanted ng Southern Police District (SPD) para sa buwan ng Setyembre 2024 ay nadakip alas-6:00 ng gabi sa barangay 197, Pasay City ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Pasay City Police Station gamit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Judge Christian Pascual Castaneda, Presiding Judge of Regional Trial Court Branch 109, Pasay City.
May inirekomendang piyansa ang korte na ?120,000.00 sa bawat bilang ng kaso na may kabuuang P480,000.00
Samantala, arestado rin ang isang delivery rider si alyas “Russel”, 24-anyos, residente ng Makati City nang silbihan ng warrant of arrest sa kasong rape, na walang kaukulang piyansa.
Si Russel na top 4 most wanted station level ay naaresto sa Araro St. corner Casino St., Brgy. Palanan, Makati City dakong alas-12:15 ng hapon ng Set. 13, 2024 ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati CPS.
Sa kasong frustrated murder naman inaresto ang isang 43-anyos na si alyas “Bebe”, top 9 most wanted ng Pasay CPS, sa F. B. Harrison St., Brgy 70, Pasay City alas-2:00 ng hapon ng parehong araw.
Isang top 5 most wanted person ng General Santos City ang naaresto sa Canlantas St., Brgy. San Antonio Village, Makati City ala-1:30 ng hapon ng parehong petsa na kinilalang si alyas “Aljim”, 46-anyos, construction worker ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Makati CPS kasama ang mga operatiba ng General Santos City Police Station.
Si Aljim ay sangkot sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs AQct of 2002) na nasa sala ni Judge Dinah Jean San Antonio Cornejo, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 55, General Santos City, South Cotabato. Wala ring inirekomendang piyansa para sa pansamantalang Kalayaan ni Aljim.
- Latest