^

Metro

Close contact ng Mpox patient, minomonitor

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Close contact ng Mpox patient, minomonitor
Quezon City Mayor Joy Belmonte updates members of the media about the situation of the mpox patient during a press conference at the Quezon City Hall on August 21, 2024
STAR/Miguel De Guzman

Lalaking nagpositibo nagpa-derma, nakipagtalik pa sa spa sa Quezon City

MANILA, Philippines — Patuloy na sinusu­baybayan ng Quezon City LGU ang pitong taga-lungsod na kabilang sa 40 katao na nagkaroon ng close contact sa isang lalaki na nagpositibo sa Mpox na hindi naman taga-QC.

Sa press conference, sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na ang pasyente na nagpositibo sa Mpox ay nagpamasahe sa isang SPA Center sa E. Rodriquez sa QC.

Anya sa naturang SPA center ay may 10 empleyado at 3 dito ay taga-QC.

Binanggit pa ng alkalde na ang naturang Spa ay naipasara na ng pamahalaang lungsod dahil sa wala itong sanitary permit, expired business permit at walang health permit ang mga tauhan.

Noong August 11 na magpa-Spa ang naturang pasyente, may 27 client ang establisimiento at dito ay 4 ang taga-QC.

Sinabi ni Mayor Belmonte na ang 3 taga-QC na empleyado ng SPA ay binigyan ng financial assistance para may panggastos habang wala pang trabaho.

Sinabi ni Dr. Rolando Cruz ng City Epidemio­logy and Surveilance Unit (CESU) na ang naturang pasyente makaraang magpa-SPA sa QC ay nagpunta naman ng Derma Clinic ng August 15 dahil sa mga rashes sa kanyang katawan.

Dito nakumpirma na mayroon itong Mpox at ito ngayon ay nasa ilalim ng pangangalaga ng RITM ng Department of Health.

Sinabi ni Dr Cruz na ang pasyente ay hindi taga-QC na nasa RITM na ay nagkaroon ng sexual encounter sa naturang Spa at napatunayang may prolong closed contact.

Ang nagmasahe sa pasyente ayon kay Dr Cruz ay inaalagaan na ng LGU kung saan ito nakatira.

Ang 3 empleyado ng Spa at 4 na client ng QC ay nasa home isolation at naka-close monitoring ng QC LGU.

Sinabi ni Dr Cruz na delikado ang Mpox pero mas mabilis itong maihawa sa skin to skin contact.

Pinaalalahanan ni Mayor Belmonte ang publiko lalo na ang mga taga-QC na ingatan ang kalusugan upang maiwasan na magkasakit.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with