^

Metro

DILG at PNP ibinida ang e-911: 3 minutes response vs krimen

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang bagong e-911 services na gagamitin sa pagresponde sa iba’’t ibang emergency kabilang ang mga krimen.

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang katulad ng sa Amerika magiging mas mabilis at sentralisado na ang pagtanggap ng ulat ng PNP command center.

Ang simulation na pinalakas na e- 911 hotline service na sinaksihan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ay ipinakita ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, gamit ang e-911 at makaresponde sa loob ng tatlong minuto.

Ani Marbil, madaling napi-pinpoint ng e-911 ang lokasyon ng isang caller para sa agarang deployment ng mga rerespondeng pulis maging sa mga tauhan ng bumbero.

Sa simulation kahapon, isang insidente ng robbery sa gasolinahan sa Quezon City ang scenario kung saan wala pang 1 minuto ay nakaresponde agad ang mga pulis.

Ang e-911 naman ay pwedeng tawagan ng publiko ng libre kahit wala load ang mga cellphone.

vuukle comment

DILG

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with