^

Metro

Lalaki naningil ng utang, binayaran ng saksak, utas!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaki naningil ng utang, binayaran ng saksak, utas!
Dead-on-arrival na sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang nakilalang si Jessie Boy Agonia, 34, ng Kagitingan St., corner Esmeraldo St., Tondo dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman ang suspek na si Hanson Rei Bautista, 21-anyos.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos siyang bayaran ng saksak ng kapitbahay na kanyang sinisingil sa utang umano nito sa Tondo, Manila, nabatid kahapon.

Dead-on-arrival na sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang nakilalang si Jessie Boy Agonia, 34, ng Kagitingan St., corner Esmeraldo St., Tondo dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman ang suspek na si Hanson Rei Bautista, 21-anyos.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-6:00 ng gabi ng Biyernes nang maganap ang krimen sa isang eskinita sa Doña Aurora St., kanto ng Kagitingan St., sa Tondo.

Makikita sa kuha ng CCTV na bago ang pananaksak ay kumakaripas ng takbo ang biktima habang hinahabol ng suspek na armado ng patalim. Maya-maya ay minalas na madapa ang biktima at dito na siya inabutan at kaagad na pinagsasaksak ng suspek bago mabilis na tumakas.

Sinubukan pa ng biktima na lumakad palayo sa lugar, ngunit muling bumagsak dahil sa tinamong malalalim na saksak sa katawan. Naisugod pa siya ng mga saksi sa pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay.

Ayon sa barangay tanod na si Armel Dangca, nakakalap sila ng impormasyon na bago ang krimen ay sinisingil ng biktima ang suspek sa utang nito.

Nauwi naman aniya ang insidente sa mainitang pagtatalo ng dalawa matapos na bantaan ng biktima ang suspek na kapag hindi nito nabayaran ang kanyang utang ay papaluin niya ito sa ulo.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with