^

Metro

Acacia na higit 100-taong gulang tumba kay ‘Aghon’, 2 sasakyan nabagsakan!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Acacia na higit 100-taong gulang tumba kay �Aghon�, 2 sasakyan nabagsakan!
Dalawang sasakyan ang nawasak sa compound ng St. John the Baptist Parish sa Taytay, Rizal nang mabagsakan ng puno ng acacia na may 100-taong gulang na matapos mabuwal ng bagyong Aghon sa kasagsagan ng pananalasa nito kahapon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Isang puno ng acacia na may 100-taong gulang na ang naibuwal ng bagyong Aghon sa pananalasa nito sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon ng umaga.

Minalas namang mabagsakan ng puno ang dalawang sasakyan na nakaparada lamang sa parking lot ng Minor Basilica ng John the Baptist.

Ayon kay Rizal Go­vernor Rebecca Ynares, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente habang kasalukuyang nagaganap ang isang banal na misa.

Napinsala ang mga nabagsakang sasakyan na kinabibilangan ng isang puting van at isang green na sports utility vehicle (SUV).

Mapalad namang walang iniulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

Ayon sa pamunuan ng Minor Basilica, 18th century pa ay nasa simbahan na ang naturang puno. Base na rin umano ito sa mga larawan ng simbahan. Itinanim umano ang puno noong 1830s.

Nagpahayag din ng kalungkutan ang parokya dahil sa nangyari ngunit nagpapasalamat na walang nasugatan sa insidente.

“The parish community, while saddened by the loss of this iconic natural landmark, is grateful that no lives were lost,” mensahe nito.

vuukle comment

RIZAL GO­VERNOR REBECCA YNARES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with