^

Metro

Libreng concert, mass wedding dinagsa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa ika-453 anibersaryo ng Maynila

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Manila City Government na naging matagumpay ang libreng konsiyerto at mass wedding na isinagawa nila, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-453rd taong anibersaryo ng Araw ng Maynila.

Nabatid na jampacked ang libreng konsiyerto na dinaluhan ng libu-libong katao, habang daan-daang pares din ang nanumpa sa harap ng dambana at nakiisa sa kasalang bayan.

Mismong sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo naman ang personal na na­nguna sa mga nasa­bing aktibidad. Pangungunahan din nila ang mas marami pang aktibidad na magaganap hanggang sa dumating ang “Araw ng Maynila” sa Hunyo 24, 2024.

Nabatid na ang serye ng konsiyerto na tinawag na “Tunog Maynila” ay nagpatuloy sa kabila ng buhos ng ulan.

Kabuuang 253 pares naman ang ikinasal sa sibil at simbahan, nitong weekend sa idinaos na ‘Kasalang Bayan 2024’.

Sa pagsasagawa ng civil rites bilang alkalde ng Maynila, binigyang diin ni Lacuna ang pangangailangan ng mag-asawa na maunawaan ang kanilang kasal at maging responsable sa kanilang desisyon.

YUL SERVO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with