^

Metro

Parak na ‘tulak’ timbog sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Parak na �tulak� timbog sa buy-bust
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang aktibong pulis nang mabilhan at masamsaman ng P136,000 na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Parañaque City, Linggo ng madaling araw.

Ang suspek na si alyas “Mac”, 31-anyos, may ranggong police corporal na nakatalaga sa National Police Training Institute (NPTI) ay ipaghaharap ng mga kasong kriminal at administratibo, at may posibilidad na matanggal sa serbisyo.

Sa ulat ng Southern Police District-Parañaque Police Station 3, dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Hunyo 16 nang maaresto ang suspek sa Purok 2, Formost St., BF Homes Parañaque.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Parañaque Police Station-Drug Enforcement Unit kung saan ma­tagumpay na nakabili diumano ang poseur buyer ng shabu sa suspek at tuluyang nasamsaman ng apat na plastic sachet na naglalaman ng kabuuang 20 gramo ng shabu.

Kinumpiska rin sa suspek ang isang kalibre .45 baril na may tatlong bala, na sinasabing hindi naman service firearm.

Bukod sa ihahaing reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 (selling at possession) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, inihahanda na rin ang kasong paglabag sa RA 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) laban sa naturang pulis.

vuukle comment

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with