^

Metro

‘Car-free Sunday’ sa Roxas Blvd dinagsa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Car-free Sunday� sa Roxas Blvd dinagsa
Masayang sinabayan nina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor Yul Servo, at Manila Po- lice District director Gen. Tom Ibay ang libu-libong katao na dumagsa at umindak sa Zumba dance sa Roxas Boulevard para sa unang “Car-free Sunday” sa Roxas Boulevard kahapon..
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Kahit na maulan, dinagsa pa rin ng libu-libong indibidwal ang idinaos na “Move Manila Car-Free Sunday” ng Manila City Government sa Roxas Boulevard kahapon.

Hindi alintana ng tinatayang aabot sa mahigit 3,000 participants ang walang tigil na pag-ulan na dulot ng bagyong Aghon at sumali pa rin sa unang Linggo nang pagdaraos ng “Move Manila Car Free”.

Nabatid na sinimulan ang pagtitipon dakong alas-5:30 ng madaling araw sa South Drive-Kalaw, kanto ng Roxas Boulevard sa gilid ng Museo Pambata.

Kahit nakasuot lamang ng kapote, may dalang mga payong at mga jacket ay itinuloy pa rin ng mga kalahok ang pag-jogging at paglalakad sa lugar.

Pagsapit naman ng alas-9:00 ng umaga ay muli nang binuksan ng lokal na pamahalaan sa mga motorista ang kahabaan ng Roxas Boulevard.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna at head ng Public Information Office (PIO) ng Manila City Government, sa South Driver-Kalaw pa lamang ay nasa 500 katao na ang lumahok. Habang sa buong kahabaan ng Ro­xas Boulevard ay aabot naman ito sa 3,000 participants.

“As per MPD, sa South Drive-Kalaw for the Zumba Manila - approximately 500. Inclu­ding the whole stretch of closed Roxas Blvd, around 3,000,” pahayag ni Abante.

vuukle comment

CAR

FREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with