Mag-asawang guro, 7-anyos anak patay sa sunog
MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang guro at kanilang 7-anyos na anak na babae matapos silang ma-trap sa nasusunog nilang tahanan sa Zone 2, Brgy. Infante, Molo District, Iloilo City nitong Sabado ng madaling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina Louelyn Reyes, 49-anyos; mister na si Julius Reyes; kapwa guro sa Special for the Arts program ng Iloilo City National High School, at kanilang anak na si Amber Marie.
Sa report ng Iloilo City Fire Marshall, naganap ang sunog sa loob ng tahanan ng pamilya Reyes bandang alas-4 ng madaling araw.
Narinig pa ng kakambal ng ginang na si Louela Gregorio ang malakas na pagsigaw ng tulong ng mag-asawang Reyes matapos silang maalimpungatan na nasusunog na ang kanilang bahay. Gayunman, nabigo na silang matulungan ang pamilya ng kaniyang kakambal dahil tadtad ng grill na bakal ang tahanan ng mag-asawa habang ang kanilang mga bahay ay may harang ding konkretong pader.
Iginiit nito na tinangka pa nilang buksan ang pintuan ng bahay ng mga biktima pero masyado nang malaki ang apoy at nababalutan na ang buong kabahayan bukod pa sa makapal na usok.
- Latest