^

Pang Movies

Sikat na aktor, ‘di tinatago ang yayamaning non-showbiz gf!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Maganda ang non-showbiz girlfriend ng isang sikat na aktor, artistahin ang datingan nito. Bukod sa maganda, mayaman ang pamilya ni ate Gurl na taga-Pampanga. Into processed food business ang pamilya nito at siguradong may iba pa silang negosyo.

Sabi ng fans, matagal na ang relasyon ng sikat na aktor at ng kanyang non-showbiz GF na in fairness, hindi niya itinatago. Isinasama niya sa mga event na puwede siyang isama at doon siya nakikita ng fans ng aktor at fans nila ng kanyang ka-love team.

Sabagay, hindi rin naman nagpapahuli sa GF ang aktor at pamilya nito pagdating sa estado sa buhay. May mga franchise pala ng Jollibee at Chowking ang pamilya ng aktor at may iba pa rin silang negosyo, kaya hindi masasabing ang pagiging rich ng GF ang nagustuhan ng aktor sa kanya.

In fairness sa aktor, mahusay mamili ng GF. Ang last GF nito bago ang dyowa niya ngayon, ang pamilya ay may-ari ng university at hospitals. Nagtagal din ang kanilang relasyon, hanggang sa mag-break.

Kahit may GF, hindi pinababayaan ng aktor ang love team nila ng kaparehang aktres. Grabe mag-fan service ang magka-love team, akala tuloy may relas­yon sila at dahilan din para kiligin ang fans at mag-wish na sila na lang ng ka-love team ang may relasyon.

Dennis at Jennylyn, pinakialaman ang mga bahay!

Nangingialam ang ibang fans sa pagpapatayo nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng bagong bahay. Tanong ng fans, aanhin daw ba ng mag-asawa ang bagong bahay eh, marami na silang bahay?

Alam ng fans na may kani-kanyang bahay sila bago ikasal at idagdag pa na may condo sila. May vacation house pa na made in container na minamaliit ng bashers ni Dennis dahil gawa raw sa lata.

Idagdag pa na may bahay rin sila sa US, tapos heto at magpapagawa uli ng bahay? Ano raw ang gagawin nila sa bahay na tinitirahan nila ngayon? ‘Kaloka! Pati ‘yun pinoproblema na sinagot ng fan ni Jennylyn.

For investment daw ang maraming bahay nila, as in, puwede nilang ibenta ang aalisan nilang bahay at puwede ring paupahan. Saka, tatlo ang anak nila at mabuti ‘yung pamanahan sila isa’t isa ng bahay para walang isyu.

Anyway, nag-groundbreaking na sila sa lote kung saan nila ipatatayo ang bago nilang bahay. Malaki ang lote at mukhang malaking bahay ang kanilang ipatatayo. Tama ba kami na posibleng magpagawa sila ng swimming pool dahil kailangan ni Jazz mag-swimming.

Si Dennis pala malapit nang mapanood sa Pulang Araw, kaya mali ang sinabi ng bashers nito na wala siyang ganap. Bukod sa PA, may pelikula rin sila nina Jennylyn at Sam Milby at may bago pang endorsement.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with