^

Police Metro

2 sakay ng motor todas sa SUV

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang sakay ng motorsiklo nang sila ay sumalpok sa isang Sport Utility Vehicle (SUV) sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang rider Silvestre Leal, 43, residente ng Cabulanglangan, Tagudin, Ilocos; at ang angkas na si Hilario Madriaga, 50, dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang driver ng pulang Toyota Innova na si Rey De Parcarey, Jr., ng Quiapo, Manila.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente, alas-2:48 ng madaling araw sa Southbound lane ng Rizal Avenue kanto ng Fugoso St., Sta. Cruz.

Sa pagsisiyasat bago ang aksidente ay minamaneho ni Leal, angkas si Madriaga, ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang westbound ng Fugoso St., Sta. Cruz.

Pagsapit sa panulukan ng Rizal Avenue, bigla na lang umanong bumangga ang kaliwang bahagi ng motorsiklo ng mga biktima, sa kanang harapang bahagi ng SUV na minamaneho naman ni De Parcarey, sa southward ng Rizal Avenue.

Sa tindi nang pagkakabangga ay kapwa tumilapon ang mga biktima na nagresulta sa kanilang agarang kamatayan.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at damage to property sa piskalya ang driver ng SUV

vuukle comment

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with