^

Probinsiya

Estudyante nadaganan ng dyip, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Estudyante nadaganan ng dyip, patay
Patay agad ang first year college student na pasahero ng jeepney na nawalan ng preno at tumagilid matapos siyang madaganan sa Brgy. Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur kamakalawa.
Jorge Hallare

BALATAN, Camarines Sur, Philippines —  Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang estudyante matapos madaganan ng pampasaherong jeep na kanya mismong sinasakyan habang anim na pasahero pa ang sugatang isinugod sa pagamutan makaraang mawalan ng preno at tumagilid sa kahabaan ng national highway ng Zone-4, Brgy. Cabanbanan, Balatan, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.

Dead-on-the spot ang isang lalaking estudyante na kinilala lamang sa pangalang “Frank” na isang first year college sa bayan ng Nabua dahil sa matinding pinsala sa katawan. Anim na mga kapwa pasahero ang isinugod sa hospital dahil sa tinamong mga sugat sanhi ng aksidente.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga binabagtas ng pampasaherong jeep na may plate number EVA-865 ang kahabaan ng highway nang pagdating sa lugar ay nawalan ito ng preno.

Nang gumewang ang sasakyan ay tumalon ang nakasabit na biktima dahilan para madaganan siya nang tumagilid ang jeepney.

Agad rumesponde ang rescue team ng BFP-Balatan, mga pulis at mga tauhan ng MDRRMO at isinugod ang mga sugatan sa hospital habang patay nang inabutan ang biktimang napuruhan.

vuukle comment

EVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with