Rice retailer huli sa switching ng price tag
MANILA, Philippines — Hindi nakaligtas sa mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) ang isang rice retailer na naaktuhan sa pagpapalit ng tag price ng imported na bigas matapos maalerto sa inspection team na nagtungo sa Trabajo Market, sa Sampaloc, Maynila kahapon.
Nabatid na habang isinasagawa ang inspection, sa ilalim ng “Nationwide Simultaneous Market Inspection” ng DA, mismong si DA Inspectorate & Enforcement Asec. Willie Ann Angsiy ang nakakita na minadali ng tindera ang pagpalit ng price tag mula sa nakalagay na P55.00 per kilo, sa P50.00 per kilo. Papatawan ng parusa at mahaharap sa kaso ang nahuling suspek.
May mga nadiskubre rin na rice retailer na naglalagay ng label na “local rice” matapos suriin ang kinuhang samples, na natuklasang imported rice.
Inisyuhan na ng DA ng notice of violation ang mga retailer at binigyan ng 48 oras para magpaliwanag at sagutin ang reklamo bukod pa sa kakaharaping multa at kasong kriminal.
- Latest


















