^

Metro

Nutrition program sa mga eskuwelahan palakasin pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Quezon City District V Rep. Patrick Michael “PM” Vargas ang pangangailangan na mapalakas pa ang implementasyon ng Masustansiyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act  o ang Republic Act (RA) 11037 partikular na sa Quezon City.

Ayon kay Vargas , ito’y sa pamamagitan ng inihain niyang House Bill (HB) 5681 na naglalayong mapalakas at mai-update ang nutrition program ng pamahalaan para sa mga Pilipinong mag-aaral.

“Hindi puwedeng gutom ang batang nais matuto. Kung may laman and tiyan, mas handa ang isipan”, pahayag ni Vargas na sinabi pang sa kabila ng feeding programs ang malnutrisyon ay nanatiling nakakasagabal sa edukasyon at pag-unlad ng mga batang mag-aaral.

Sa isinusulong na amyenda ni Vargas ay kabibilangan ito ng hot meals, milk-based supplements at mas malakas na koordinasyon sa Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng sentralisadong  school kitchens at lokal na  food sourcing.

Ayon kay Vargas mahalaga na mag-invest ang gobyerno sa nutris­yon ng mga batang mag-aaral para sa pambansang pag-unlad.

“Healthy learners are better lear­ners. Mas matututo ang mga mag-aaral kung walang kumakalam na sikmura”, ani Vargas na iginiit na ang tunay na edukasyon ay hindi lamang tungkol sa pagbabasa at pagsusulat kundi sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan.

NUTRITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with