^

Metro

Misis na wanted sa 159 counts ng pandedekwat, tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiklo ang isang 39-anyos na misis na  10 most wanted dahil sa  mahigit 100 bilang ng kasong pagnanakaw, sa isinagawang operasyon ng Warrant and Subpoena Unit ng  Makati City Police Station,  sa nasabing lungsod, nitong Sabado.

Kinilala ni Makati CPS chief, PCol. Jean Dela Torre ang akusadong si alyas “Daisy Grande,” na pinaghahanap dahil sa 159 counts ng Qualified Theft through Falsification of Commercial Documents ay nadakip alas-10:30 ng umaga ng Marso 1, 2025, sa  Brgy. Sta. Cruz, Makati City.

Nabatid sa warrants of arrest na inisyu ni Hon. Jonathan Honorato D. Lock, Pairing Judge ng Regional Trial Court, Branch 60, Makati City, na maaring palayain pansamanta si Daisy Grande kung maglalagak ng inirekomendang piyansa na P5,174,000.00.

Ang operasyong ito ay bahagi ng pagsisikap ng pulisya na palakasin ang pagpapatupad ng batas laban sa financial crimes.

TIKLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with