^

Probinsiya

Laguna command center, weather forecasting system binuksan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

SANTA CRUZ, Laguna, Philippines — Pormal nang pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Lagunaang unang yugto ng Provincial Command Center at Weather Forecasting System upang mapalakas ang kahandaan ng lalawigan sa mga sakuna at mapabilis ang pagtugon sa mga emergency.

Pinangunahan nina Gov. Sol Aragones at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Chief Aldwin Cejo ang paglulunsad ng proyekto nitong Biyernes ng hapon.

Kabilang sa unang yugto ang 20 CCTV camera na inilagay sa iba’t ibang bayan at lungsod, kung saan 12 ang kasalukuyang gumagana para sa live monitoring. Mayroon ding Eagle Eye camera sa Santa Cruz Towers at artificial intelligence-assisted monitoring system.

Inaasahang matatapos sa loob ng anim na buwan ang buong pasilidad. Kabilang sa susunod na yugto ang pagpapalawak ng monitoring system, paglalagay ng facial at license plate recognition features, at paglulunsad ng Laguna Weather Forecast Application.

Isa sa mahahalagang bahagi ng proyekto ang pagkakaroon ng sariling resident meteorologist ang lalawigan na si John Macaulay “Kuya Macu” De Guzman Dela Cruz, na mangunguna sa pagbibigay ng lokal na weather forecast, updates at babala sa publiko.

Gumagamit ang weather forecasting system ng satellite images mula sa Himawari-9 at sinusuportahan ng anim na solar-powered Automated Weather Stations na matatagpuan sa Biñan, Bay, Paete, Santa Cruz, Majayjay, at Santa Maria.

Magbibigay rin ang sistema ng mga babala hinggil sa malakas na ulan, pagkulog at pagkidlat, heat index at iba pang panganib na may kaugnayan sa panahon sa pamamagitan ng nakalaang website at Facebook page na Laguna Weather, ayon naman kay Danilo Lucas, Chief of the Provincial Public Information Office.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with