^

Metro

Marikina City Government, magdaraos ng libreng Year-End concert at fireworks display sa Disyembre 30

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakatakdang idaos muli ng Marikina City Go­vernment ang kanilang taunang libreng Year-End Concert at Community-Based Fireworks Display sa Dis­yembre 30, 2024.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro, layunin nitong matiyak na magiging ligtas ang pagdiriwang ng Bagong Taon at makakamit ang pagkakaroon ng zero firecracker-related injuries (FWRIs).

Sinabi ng alkalde na ang lokal na pamahalaan, sa pakikipagtulu­ngan ng tanggapan ni Marikina City First District Representative Marjorie Ann “Maan” Teodoro, ay muling magsasagawa ng libreng konsiyerto sa Marikina Sports Center, bilang pagpapakita ng pasasalamat sa mga residente.

Magsisimula umano ang preshow performances dakong alas-4:00 ng hapon at lalahukan ng mga local talents, mga estudyante mula sa iba’t ibang public at private schools sa lungsod, at youth organizations, kabilang na ang The Silangan Collective, St. Gabriel Our Lady of Sorrows Parish Choir, Marist Youth Chorus, Himig de San Isidro, St. Scholastica’s Aca­demy Glee Club, at Infant Jesus Glee Club.

Ang mismong konsiyerto naman ay mag-uumpisa dakong alas-7:20 ng gabi at pangungunahan nina Bassilyo, Sisa, Crispin, Lost Section, Daniel Paringit, at Mauie Francisco, gayundin nina Toneejay, The Juans, at Maki. Magsisilbing host naman ng aktibidad ang dynamic duo na sina Divine Tetay at Petite.

Susundan naman ito ng fireworks display para sa mga residente.

Ayon kay Mayor Marcy, ang naturang aktibidad ay tradisyon na sa Marikina, bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga residente sa lungsod at paraan upang magkasama-sama sa pagsalubong sa Bagong Taon bilang isang komunidad.

Bukas rin naman aniya ang libreng konsiyerto at fireworks display ma­ging sa mga hindi residente ng lungsod.

“Ang taunang Year-End Concert at Fireworks Display natin ay tradisyon na dito sa Marikina na kung saan sama-sama nating ipinagdiriwang ang Bagong Taon,” anang alkalde. “Ito rin ang ating paraan para mahikayat natin ang ating mga kababayan na huwag nang gumamit ng mga delikadong paputok sa Bagong Taon para maiwasan ang mga firecracker-related injuries.”

Samantala, nabatid na nagtakda na rin naman ang lokal na pamahalaan ng Marikina ng firecracker zones, gaya ng mga open spaces at parks.

“Ipagdiwang natin ang tagumpay ng taong 2024 at salubungin ang taong 2025 ng sama-sama at puno ng pag-asa,” dag­dag pa ni Teodoro.

MARIKINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with