^

Metro

90 biyahe ng mga bus sa PITX, kinansela

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kanselado ang mga biyahe ng bus na nagmumula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa matinding pag-ulan at pagbabaha dulot ng bagyong Kristine.

Sa talaan na inilabas ng PITX kahapon, Oktubre 24, nasa 90 biyahe ang kinansela na kinabibilangan ng P&O na patungong Tagkawayan, Quezon alas-5:00 ng madaling araw; ang OM na may biyaheng 5:30 at 10:30 ng umaga at ang Ceres sa alas-6:30 ng umagang iskedyul patu­ngong San Jose, Mindoro dahil sa kanselado rin ang paglalakbay sa dagat sa Batangas Port.

Gayundin ang pang-10:30 ng umaga na biyahe ng Ceres sa Iloilo City; ang alas-9:00 ng umaga na biyahe ng Philtranco patungong Cagayan De Oro; ang Amihan patu­ngong Sorsogon alas-9:00 ng umaga; ang LLI na alas-8:00 patu­ngong Sta Cruz, Laguna; ang  A&B 9:30 ng umaga patungong Guinayangan, at alas-12:00 ng madaling araw patungong Calauag; ang San Gabriel patungo ng Nasugbu via Ternate na alas-8:30 ng umaga at alas-12:30 ng hapon dahil sa landslide sa Look Road; ang DLTB pa-Daet na alas-8:00 ng umaga at pa-Lemery, Batangas alas 12:30 ng hapon.

Ang DLTB pa-Legaspi na may alas-4:00 ng hapon, alas-7:45 at alas-8:30 ng gabi; ang DLTB Matnog na alas-5:15 ng hapon at 6:15 na patungo ng Bulan, Sorsogon. Ang alas-6:15 ng gabi na biyahe ng ALPS patungong Gubat, Sorsogon, pa-Tabaco na alas-5:00, alas-7:15 at 8:00 ng gabi ; patungong Lipa ala-1:00 at 2:00 ng hapon; pa-batangas na alas-2:30 ng hapon.

Ang mga iskedyul ng RORO alas-8:30 ng umaga at alas-12:30 ng hapon patungo sa San Jose, Mindoro; patungong Masbate na 12:30 ng hapon.

PITX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with