^

Metro

Manila North Cemetery, may abiso para sa Undas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maagang nagpalabas ng paalala ang pamunuan ng Manila Health Department (MHD) upang  magkaroon ng sapat na panahon na paghandaan ang pagtungo sa Manila North Cemetery  para sa Undas 2024.

Batay sa inilabas na abiso, mayroon na lamang 20 araw para sa paglilinis, pagpi­pintura at pagsasaa­yos sa mga puntod na nagsimula na nitong Setyembre 15  at magtatapos sa Oktubre 25.

Hindi na rin maaaring tumanggap ng cremation o paglilibing, paglagpas ng Oktubre 28.

Sarado na rin ang tanggapan ng Manila North Cemetery simula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3, 2024.

Sinabi na muling magbubukas ang serbisyo ng cremation at paglilibing sa Nob. 4, gayundin ang pagbubukas ng opisina ng sementeryo.

Simula Okt. 24 hanggang Nob. 4 ay bukas ang main gate ng sementeryo mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon lamang.

Ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo simula Okt. 28 hanggang Nob. 4 na panahon ng Undas ang alak o mga nakalala­sing na inumin; flammable materials tulad ng thinner at pintura; baril at patalim; deck cards, bingo cards at iba pang gamit sa pagsusugal.

Ipinagbabawal din ang magsama ng mga alagang hayop gaya ng aso at pusa sa loob ng sementeryo. 

vuukle comment

MHD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with