^

Metro

Ginang, patay sa sagasa ng trailer truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ginang, patay sa sagasa ng trailer truck
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan lamang na nasa 40 hanggang 50-anyos, nakasuot ng pulang t-shirt at puting shorts habang arestado naman ang driver na suspek na si alyas ‘Rey,’ 34.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi nang masagasaan ng isang trailer truck sa Paco, Manila, nabatid kahapon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan lamang na nasa 40 hanggang 50-anyos, nakasuot ng pulang t-shirt at puting shorts habang arestado naman ang driver na suspek na si alyas ‘Rey,’ 34.

Batay sa ulat ng Paco Police Community Precinct- Station 5 ng Manila Police District (MPD), dakong alas-4:30 ng Huwebes, Agosto 16, sa San Marcelino St., sa Paco ngunit nitong Linggo lamang ito naiulat.

Binabagtas umano ng truck ang naturang kalsada nang bigla na lang tumawid ang biktima.

Kaagad naman umanong nakapagpreno ang driver ng truck ngunit nasagasaan at naipit na rin ang biktima sa pagitan ng gulong nito.

Kusa namang sumuko ang driver sa mga pulis at sasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with