^

Metro

Bebot pinatay sa bahay, 4 suspek tugis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Bebot pinatay sa bahay, 4 suspek tugis
Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Rosario Maclang Hospital ang buhay ng biktima na kinilalang si Rowella Pelarte Pelayo, 37, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa pamamaslang sa isang babae ng apat na suspek na kumatok pa sa kanyang bahay sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City kamaka­lawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Rosario Maclang Hospital ang buhay ng biktima na kinilalang si Rowella Pelarte Pelayo, 37, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek na sina Randy Bona Cruz Mejia, Rachell Bulalacao Policarpio alyas “Bebang” at dalawang hindi pa kilalang lalaki.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ni PStaff Sgt. Angel T Pascasio III ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na nangyari ang pamamaril dakong alas-11:40 ng gabi nitong Sabado sa mismong bahay ng biktima sa Brgy. Bagong Silangan.

Sa pahayag ng saksing si “Ray”, nakaupo siya malapit sa bahay ng biktima nang mapansin niya ang pagdating ni Policarpio kasama ang isang lalaki at kumatok sa bahay ng biktima.

Binuksan ng biktima ang pinto at doon sumulpot si Mejia at pinagbabaril ang una ng ilang beses hanggang sa bumagsak sa sahig.

Mabilis na sumakay ng motorsiklo si Mejia na minaneho ng isa pang suspek habang tumakas din si Policarpio kasama ang isa pang lalaki.

Sa pagsisiyasat ng SOCO team mula sa QCPD-FU sa pangu­nguna ni PCpt. Michael Jabel, nakakuha ng mga basyo ng bala at umano’y aluminum foil sa lugar.

Inaalam na rin ng pulisya kung may mga CCTV ng barangay sa lugar na makatutulong sa imbestigasyon.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with