^

Metro

DMW: Walang Pinoy na nasugatan sa gumuhong gusali sa Jeddah

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW), sa pama­magitan ng kanilang Migrant Workers’ Office sa Jeddah, Saudi Arabia (MWO-Jeddah), na wala pa silang natatanggap na ulat na may Pinoy na nasugatan sa isang gusali sa central Jeddah na gumuho noong Mayo 31.

Sa ulat ng MWO-Jeddah kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, binisita nila ang mismong incident site at mga kalapit na pagamutan upang alamin kung may Pinoy na ginagamot doon.

Sa kabutihang-palad ay wala naman umanong Pinoy na nakabilang sa mga nasugatan sa insidente.

Batay sa ulat ng local media sa Jeddah, walong katao ang nasagip mula sa gumuhong gusali.

Tiniyak naman ng MWO-Jeddah na patuloy silang magsasagawa ng monitoring sa sitwasyon at makikipag-ugnayan sa Jeddah police, medical, at emergency services agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy.

vuukle comment

DMW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with