Biniling bakuna ng Pasig LGU vs pertussis dumating na
MANILA, Philippines — Inihayag ng Pasig LGU na dumating na ang nasa 20,000 Tetanus-Diphteria-Pertussis (Tdap) vaccines na binili laban sa pertussis.
Ayon sa LGU, prayoridad na mabigyan ng bakuna ang mga vulnerable population o mga pinakaapektadong populasyon sa lungsod ng Pasig.
Ang Tdap vaccines ay para maiwasan ang paglaganap ng pertussis o whooping cough na isang vaccine-preventable disease.
Kabilang dito ang mga buntis na nasa 28 hanggang 36 linggo ng pagdadalang-tao.
Maaaring magtungo lamang sila sa health center ng barangay upang makatanggap ng Tdap vaccine. Kailangang magdala ng ID bilang patunay na residente ng Pasig.
Kasama ring mabigyan ng bakuna ang mga batang edad 5 hanggang 10 taong gulang na nakatira sa barangay na may mga naitalang kaso ng Pertussis.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang Supplemental Immunization Activity ng City Health Department para sa mga bata na may edad 6 linggo hanggang 59 buwan laban sa vaccine-preventable diseases.
Maaaring dalhin lamang sila sa pinakamalapit na health center sa barangay para mabakunahan.
- Latest