^

Metro

770 bus nabigyan ng permit ng LTFRB para sa Undas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 770 unit ng bus ang napagkalooban ng permit ng Land Transportation Franchi­sing Regulatory Board (LTFRB) para maghatid-sundo sa mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong panahon ng Undas.

Ang naturang approved units ay nakapaloob sa 276 aplikasyon ng mga bus na nais pumasada sa mga lugar na hindi nila ruta tulad ng mga Metro Manila buses na nais maghatid sundo sa mga probinsiya ngayong Undas.

Ayon sa LTFRB ang special permit ay may bisa mula October 25 ngayong taon at tatagal hanggang November 10, 2024.

Ang pagkakaloob ng special permit ng LTFRB ay upang madagdagan ang mga provincial buses na magseserbisyo sa inaasahang dagsa ng pasahero sa panahon ng Undas.

Unang sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz sa mga operator ng bus upang matiyak ang ligtas na paglalakbay ng mga pasahero.

Nagdeploy din anya ng mga tauhan ang LTFRB sa mga bus terminals upang matiyak na may kaukulang permit ang mga pampasaherong sasakyan para magsakay ng mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION FRANCHI­SING REGULATORY BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with