^

Metro

Miyembro ng criminal group na may kasong murder, timbog sa baril

Ludy ­Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng criminal group na may kasong murder, timbog sa baril
Nakapiit sa ­Taguig City Police Station ang suspek na si alyas “Bilog”, 21, dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang miyembro umano ng Carlo De Vera Drug Group na inginuso ng mga residente dahil sa kahina-hinalang kilos habang may hawak na baril sa Taguig City, Biyernes ng hapon.

Nakapiit sa ­Taguig City Police Station ang suspek na si alyas “Bilog”, 21, dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sa ulat, alas-4:00 ng hapon ng Marso 22, 2024 sa Barangay Rizal, Taguig City nang maaktuhan ng mga awtoridad na hawak ni Bilog ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng 2 bala. Dinisarmahan siya at binitbit sa himpilan ng pulisya.

Unang iniulat ng concerned citizen sa pulisya ang presensya ng suspek sa kanilang lugar na kaduda-duda umano ang mga galaw kaya mabilis na nires­pondehan.

Natukoy mula sa record ng Crime Information, Reporting, and Analysis System (CIRAS) ng PNP, si alyas Bilog ay may nakabinbing kasong murder sa Taguig City Regional Trial Court Branch 70, na may petsang ­Hulyo 12, 2021.

Miyembro ng criminal group na may kasong murder, timbog sa baril

Ludy ­Bermudo

CARLO DE VERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with