^

Metro

Lalaki nag-amok, huli sa patalim at droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 21-anyos na lalaki nang isumbong ng residente sa diumano’y pag-aamok sa lugar habang may hawak na kutsilyo, sa Makati City, Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ernil”, residente ng  sa Jervois St., Barangay Pinagkaisahan, Makati City na nahaharap sa reklamong paglabag sa Article 153 (Alarm and Scandal), paglabag sa Batas Pambansa  6 (Illegal Possession of Bladed Weapon), at Section  11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sa ulat ng Makati Police Station, dakong alas-4:00 ng hapon ng Marso 12, 2024 nang respondehan ang tawag ng concerned citizen kaugnay sa pagwawala ng suspek na nagdudulot ng takot sa mga residente sa Jervois St.

Nadatnan ng mga awtoridad sa aktong hawak pa ng suspek ang isang 8 pulgadang kutsilyo habang nagsisigaw sa kalye.

Nasamsam ang kutsilyo at nang rikisahin ang katawan ay nakuhanan siya ng 2-sachet ng shabu na nasa 11 gramo na may katumbas na halagang ?74,800.

vuukle comment

MAKATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with