^

Metro

Facebook page ng Valenzuela Police, na-hack

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Facebook page ng Valenzuela Police, na-hack
Ayon kay Destura, pansamantalang ilalabas ang kanilang updates at mga panawagan sa Public Information Office (PIO) Valenzuela City Police Station hanggang sa marekober ang kanilang account.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Valenzuela City Police Station chief Col. Salvador Destura Jr. na na-hack ang kanilang Facebook page nitong Lunes.

Ayon kay Destura, pansamantalang ilalabas ang kanilang updates at mga panawagan sa Public Information Office (PIO) Valenzuela City Police Station hanggang sa marekober ang kanilang account.

Nabatid na mga hubad na video at larawan ang lumalabas matapos na ma-hack ang naturang FB page ng kapulisan.

Aniya, walang access sa kanilang account ang mga admi­nistrator ng kanilang FB page kaya pinapayuhan ang publiko na huwag munang magpadala ng anumang impormasyon o mensahe sa kanilang account.

Matatandaang nito lang Pebrero, sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang ­hackers ay pinaniniwalaang ­nag-o-o­perate sa China at pinapasok nito ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng email at websites na mariin namang pinabulaanan ng kanilang opisyal.

Ayon naman kay DICT Secretary Ivan Uy na handa namang tumulong ang China para sa gaga­wing imbestigasyon.

HACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with