^

Metro

Mayor Lacuna, may ‘poser’ sa social media

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong si Manila Mayor Honey Lacuna sa media sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa isang poser Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan.

Sa isang text message sa mga miyembro ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), umapela ang alkalde na tulu­ngan siyang maipabatid sa publiko at maireport ang pekeng FB account na www.facebook.com/jenny.basilonia.940.

“Para po sa kaalaman ng lahat, mayroon pong kumakalat na po­ser Facebook account na ginagamit ang aking pangalan at kinokopya ang aking mga posts para magmukhang ito ang aking page,” anang alkalde.

“Kami po ay humi­hingi ng tulong na ma-ireport ang fake account na ito: www.facebook.com/jenny.basilonia.940,” aniya pa.

Ipinabatid rin ng alkalde sa publiko na ang kanyang nag-iisang opisyal na FB page ay http://www.facebook.com/DoktoraHoneyLacuna lamang.

Binalaan din ni Lacuna ang publiko na huwag magpabiktima sa naturang pekeng account at pinasalamantan ang mga taong nagsumbong sa kanya hinggil dito.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na pineke ang Facebook account ni Lacuna.

Noong Agosto 2023 ay nangyari na rin ito at mismong ang tagapagsalita ni Lacuna na si Atty. Princess Abante pa ang naglabas ng pahayag hinggil dito.

vuukle comment

HONEY LACUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with