^

Metro

Agaw-parcel modus: 3 arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Agaw-parcel modus: 3 arestado
Natuklasan ang bagong modus operandi makaraang isang deli­very rider ang magharap ng reklamo sa pulisya at sa isinagawang follow up operation ay nadakip ang tatlong miyembro ng grupo ng kawatan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

Delivery rider target ng mga kawatan

MANILA, Philippines — May bagong modus na tinututukan ang pulisya na ito ay ang ‘agaw-parcel’ modus na ang tinatarget ay ang mga delivery rider.

Natuklasan ang bagong modus operandi makaraang isang deli­very rider ang magharap ng reklamo sa pulisya at sa isinagawang follow up operation ay nadakip ang tatlong miyembro ng grupo ng kawatan.

Kinilala ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan ang mga naarestong kawatan na sina Mazi Cedrick Don, 20; Flogene Rueda, 30, at Michael De Guzman, 27,pawang mga residente ng Francisco St. Brgy., Krus na Ligas Quezon City habang pinaghahanap ang isa pang suspek na si Harvey Ramos, 24.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong Robbery in relation to R.A 11235 Motorcycle Crime Prevention Act.

Batay sa pagsisiyasat ni PCpl Jacky L Dela Pena ng QCPD Anonas Police Station, nangyari ang pag-agaw sa Castaneda St. Brgy. UP Campus Quezon City dakong ala-1:15 ng hapon.

Sa pahayag ng deli­very rider na si Jhemar Madamag, 32, nagdeliber siya ng parcel sa nasabing address nang lapitan at itulak ng mga suspek at pinagbantaan siyang papatayin.

Dito ay napilitan siyang ibigay ang mga tatlong parcel na nagkakahalaga ng P3,000 bawat isa.

Matapos na makuha ang mga parcel mabilis na tumakas ang mga suspek gamit ang dalawang motorsiklo.

Nagsagawa ng follow up operation ang mga barangay officials at pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo.

Tanging ang dalawang motorsiklo lamang na ginamit ng mga suspek sa pagtakas ang nabawi.

May report na kadalasan ang mga kawatan pa mismo ang nagpapadeliber ng mga parcel sa pamamagitan ng online at kanila nang aabangan ang magdedeliber nito sa itinakdang araw.

Walang mangyaya­ring bayaran kundi aagawin ang dala nitong mga parcel.

Paalala ni Maranan sa delivery rider, doblehin ang kanilang pag-iingat at agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad upang mapanagot ang mga kriminal

PARCEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with