^

Metro

48 PDLs ng Bilibid, inilipat sa Leyte prison

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
48 PDLs ng Bilibid, inilipat sa Leyte prison
Sa nasabing bilang, 23 PDLs ay mula sa maximum security habang ang 25 ay sa medium security ng NBP, na mananatili na sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Matagumpay na nailipat noong Biyernes mula sa New Bilibid Prison (NBP) patungong Leyte Regional Prison ang 48 persons deprived of liberty (PDLs) kaugnay sa programang mapaluwag ang mga piitan sa bansa at bilang paghahanda na maisara na ang National penitentiary sa taong 2028.Regional Prison ang 48 persons deprived of liberty (PDLs) kaugnay sa programang mapaluwag ang mga piitan sa bansa at bilang paghahanda na maisara na ang National penitentiary sa taong 2028.

Sa nasabing bilang, 23 PDLs ay mula sa maximum security habang ang 25 ay sa medium security ng NBP, na mananatili na sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte.

Matapos ang kanilang biyahe, maa­yos na nakarating ang mga PDLs sa piitan sa Leyte noong Sabado ng hapon, Enero 20, ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr..

“The continuing transfer of PDLs from NBP to other operating prison and penal farm outside of Metro Manila is part of our efforts to decongest the NBP and our preparation for the closure of the National penitentiary by 2028,” ani Catapang.

Nagpasalamat din si Catapang sa pagkakaloob ng tulong at suporta ng Philippine National Police (PNP) at ng  Philippine Coast Guard (PCG) sa matagumpay na pagbibiyahe ng PDLs.

Ineskortan din ng mga miyembro ng NBP Custodial Force ang mga PDLs at inalalayan ng mga tauhan ng BuCor Speacial Weapons and Tactics (SWAT).

LEYTE

PDLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with