^

Metro

Obrero utas sa saksak sa Caloocan City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang isang construction worker makaraan itong pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang salarin sa lungsod ng Caloocan nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima bilang si Julius Roxas, 48, naninirahan sa Robis 2, Brgy. 175 ng lungsod.

Sa report ni P/Cpl Karl Piggangay kay Caloocan City Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:40 ng madaling araw nang matagpuan ang wala ng buhay na katawan ng biktima na nakahandusay sa loob ng nakabukas na balkonahe ng isang bahay sa Phase 4, Package 2, Blk 17, Lot Excess, Brgy. 176, Bagong Silang ng naturang siyudad.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nakatanggap ng mensahe mula sa kanyang asawa ang saksing si alyas “John”, 27, at ipinaalam sa kanya ang nakita nitong isang lalaki na nakahandusay sa kanilang balkonahe.

Kaagad umuwi sa kanilang bahay ang saksi at nakita nito ang nakahandusay na biktima na wala ng buhay na naging dahilan upang humingi sila ng tulong sa mga tauhan ng Caloocan City Police Sub-Station 12.

Batay sa pahayag sa pulisya ng pinsan ng biktima na si Ernesto Bermillo Jr., nag-inuman sila ng kanyang pinsan at natapos sila dakong alas-11 ng gabi nitong Miyerkules .

Nagsasagawa na ng followup na imbestigasyon ang mga ope­ratiba ng pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspect.

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with