^

Metro

CLSU gagamiting lab ng medical cannabis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinagalak ng mga opisyal ng Central Luzon State Univerity (CLSU) at local government ng Science City of Munoz, Nueva Ecija ang pagkakapili sa kanila ng isang pharmaceutical company upang gawing laboratoryo ng mga gamot partikular ang medical marijuana.

Kasama nina CLSU President Edgar Orden at Science City of Munoz Mayor Baby Armi Alvarez, isinagawa ang ground breaking ng laboratory ng Bauertek Corporation sa pangu­nguna ni General Ma­nager Dr. Richard Nixon Gomez at Rigel Gomez, president sa compound ng CLSU.

Ayon kay Orden, malaking tulong sa kanila ang nasabing kompanya upang muling maisaayos ang lugar na matagal nang nasira lalo na noong pahanon ng pandemya. Nasa 15 ektarya ng CLSU ang gagamitin ng kompanya.

Sinabi naman ni GM Gomez, layon nilang makagawa at makapagproseso ng pulidong mga gamot gayundin ang medical marijuana.

Nabatid kay Gomez na magtatanim ng marijuana sa lugar na gagamitin sa paggawa ng medical cannabis na lumitaw sa kanilang pagsusuri ay makagaga­ling ng mga sakit tulad ng ephilepsy, ­anxiety, cancer, depression, sleep disorder maging mga sakit sa katawan na nararanasan ng mga athlete matapos ang paglalaro.

Tiniyak pa na hindi magagamit sa bisyo ang mga marijuana dahil kasama nila ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsusuri upang gawin itong gamot.

CLSU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with