^

Metro

Hazing ng Fraternity members sa minor, binubusisi ng CHR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hazing ng Fraternity members sa minor, binubusisi ng CHR
Ayon sa CHR, nasa likod ng naturang hazing ang umano’y fraternity president ng Magic 5 kasama ang miyembro ng Alpha Kappa Rho International Fraternity at ng  presidente ng  SPB fraternity.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa umano’y hazing na ginawa ng ibat-ibang miyembro ng fraternities sa isang menor-de-edad na nagbunsod para maospital ito.

Ayon sa CHR, nasa likod ng naturang hazing ang umano’y fraternity president ng Magic 5 kasama ang miyembro ng Alpha Kappa Rho International Fraternity at ng  presidente ng  SPB fraternity.

Sa inisyal na pagbusisi ng Quezon City Police District (QCPD), sinabi ng CHR na isa sa biktima ay hinimatay dahil sa sakit na naramdaman ng katawan at  physical injuries.

Ang biktima ay sinasabing miyembro ng Scout Royale Brotherhood Nu-Theta Chapter Fraternity pero lumipat sa Magic 5 dahilan para mainsulto ang kanyang mga dating kasamahan.

Sinasabing ang biktima ay dinala sa  San Roque, sa Barangay Pagasa para madisiplina at saka nailipat sa isang shop sa kahabaan ng  Road 10 sa lungsod kung saan doon naisagawa ng kanyang mga dating kasama ang hazing.

“Violent acts, especially those which trample on the dignity of minors, despite the presence of the Anti-Hazing Law and the Anti-Child Abuse Law, should be condemned,” ayon sa  CHR .

Pinapurihan din ng CHR ang QC police dahil sa pagkakadakip sa isa sa mga suspek habang patuloy ang manhunt sa iba pang nasa likod ng insidente.

 

FRATERNITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with