7 arestado sa P250K shabu

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang pitong indibiduwal na nasamsaman ng nasa P250,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Anisa Allan Faisal, alyas Madam Anisa, 39; Wahida Ambulao Balaod; Joel Flores Jimenez; Minki Cabilo Abas; Sarah Alquetra Sambajon, 33; Virlaine Retuta Samb, 39; at Rasmia Usman Dres, 32.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang magkasa ang District Drug Enforcement Unit ng operasyon sa may MLQ Street Interior, Purok 3, Barangay New Lower, Taguig City.
Isang asset ang nagawang makabili sa mga suspek ng ilegal na droga dahilan para dakmain ang mga ito.
Nasabat sa kanila ang 12 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 35 gramo at may katumbas na halaga na P251,500.
Nakaditine ngayon ang mga suspek sa SPD Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
- Latest