2 HVI huli sa P900K shabu

MANILA, Philippines — Dalawang bebot na kabilang sa high-value individual drug pushers ang naaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lungsod, Martes ng hapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Annie Dacut Evalla, 29 at Jenden Queen Romobio, 34.
Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang Mayo 23, 2023 nang malambat ang dalawang suspek sa Manukan St., Manuyo Dos, Las Piñas City ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng SPD, kasama ang District Special Operations Unit, District Intelligence Division, District Mobile Force Batallion, Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police office, at 3rd Special Operations Unit ng Maritime Group.
Nakumpiska sa mga ito ang nasa 130 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?884,000.00.
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang dalawang suspek sa piskalya para sa reklamong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022).
- Latest