^

Metro

Mister, dinedo ng sariling pinsan dahil sa pusa

Pilipino Star Ngayon
Mister, dinedo ng sariling pinsan dahil sa pusa
Batay sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station (PS 14) commander PLtCol. May Genio, nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa  San Roque St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister nang pagsasaksakin ng sarili niyang pinsan na  nagalit nang buhatin ng una ang alagang pusa ng huli sa  Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Maclang General Hospital ang biktimang hindi na pinangalanan, base na rin sa kahilingan ng kanyang pamilya, dahil sa tatlong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, naaresto naman ng mga pulis ang suspek na si Victor Villeza, 32, pinsan ng biktima, at residente ng Brgy. Holy Spirit.

Batay sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station (PS 14) commander PLtCol. May Genio, nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa  San Roque St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nauna rito, nanonood umano ang biktima at ang testigong si Veronica Candelario ng pelikula sa harapan ng tahanan ng huli nang dumating ang suspek.

Napuna umano ni Villeza na hawak ng biktima ang kanyang alagang pusa kaya’t nagalit ito at pinagsalitaan ng hindi maganda ang biktima, na kaagad namang isinauli ang pusa sa suspek.

Sa kabila nito, nanatili pa rin umanong galit ang suspek at inihagis ang pusa sa mukha ng biktima.

Hindi naman umano pinansin ng biktima ang suspek at sa halip ay ipinagpatuloy na lamang ang panonood.

Pauwi na ang biktima nang abangan at saksakin ng kanyang pinsan.

Nang makitang duguan na ang biktima ay nagtatakbo ang suspek sa loob ng kanyang bahay upang magtago habang isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Naaresto rin naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspect sa loob ng kanyang bahay.

Nakumpiska dito ang patalim na ginamit sa krimen.

Nakapiit na ang suspek at sasampahan ng kasong murder sa piskalya. — Jessica Dejarlo, Gillian Paul Abayon

vuukle comment

CAT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with