^

Metro

13th month pay ng Manila City Hall employees matatanggap na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
13th month pay ng Manila City Hall employees matatanggap na
This undated photo shows Manila City Hall at night.
CC BY-SA 3.0 / Corteco8 / Wikimedia

MANILA, Philippines — Matatanggap na anumang araw mula ngayon ng mga empleyado ng Manila City Hall ang kanilang 13th month pay.

Ito naman ang inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa idinaos na regular na flag raising ceremony nitong Lunes kasabay ng pahayag na hindi nila malilimutan ang obligas­yon sa mga empleyado sa kabila ng tambak na trabaho.

Batay sa ulat ni City Treasurer Jasmin Talegon kay Lacuna-Pangan, nasa 10,000 regular employees na nagtatrabaho sa Manila City government ang pagkakalooban ng 13th month pay at karagdagan pang insentibo.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng alkalde ang mga empleyado na maging wais sa paggastos ng kanilang pinaghirapang pera. Dapat rin aniya nilang pasalamatan ang Panginoon dahil mayroon silang permanenteng trabaho.

“Kaya po pakiusap ko lang po, mahalin natin ang ating gawain, mag­lingkod tayo ng tapat at totoo nang sa gayon naman po ay maram­daman din ng ating mga kababayan, lalo na po yung mga hirap sa kanilang buhay, na meron po silang isang pamahalaan na tunay na nagkakalinga sa kanila,” ani Lacuna-Pangan.

MANILA CITY HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with