^

Metro

VP Sara, namahagi ng groceries sa motorcycle riders sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
VP Sara, namahagi ng groceries sa motorcycle riders sa Quezon City
Davao City Mayor Sara Duterte Carpio speaks to supportrers on the campain trail in Quezon City.
Sara Duterte campaign

MANILA, Philippines — Naligayahan ang mga motorcycle for hire drivers nang dumating at namahagi sa kanila ng  groceries si Vice President  Sara Duterte sa isang pagtitipon  sa Batasan Park, Quezon City kahapon.

“Salamat sa inyong tulong sa ating mga kababayan na araw-araw ay kinakailangan na sumabak sa trapiko. Patuloy kayong maging maingat hindi lang sa inyong sarili subalit maging sa inyong mga pasahero,” pahayag ni VP Sara .

Matatandaan na si VP Sara ay bumaba sa nasabing lugar noong panahon ng kampanya kung saan mga dri­vers din ng Joyride, Angkas at iba pa ang sinadya dito.

“Kami po ay nagpapasalamat sa ating mahal na Vice President Inday Sara  Duterte. Patuloy ang pagmamahal at suporta ang kaniyang pinakikita at pinagkakaloob sa ating mga motorcycle drivers,” pahayag ni Angkas CEO George Royeca.

“Ang Angkas po ay patuloy tutugon sa pangangaila­ngan ng ating mga kababayan na kailangan ng ating serbisyo. Serbisyo na ligtas at patas ang aming patuloy na ipagkakaloob,” dagdag pa nito.

May 200 riders mula sa Angkas at Joyride ang nabiyayaan ng pamaskong handog ng bise-presidente na kinabibilangan ng sako-sakong bigas at grocery items.

Bukod sa motor riders tumanggap din ng gift packs ang mga TODA members at senior citizen ng barangay Batasan sa naturang lungsod.

vuukle comment

GEORGE ROYECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with