NBI, pinakilos para alamin ang kalagayan ni Supt. Zulueta
MANILA, Philippines — Pinakilos na ni Department of Justice Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) para alamin ang kalagayan ni Bureau of Corrections (BuCor) Sr. Supt. Ricardo Zulueta sa pamamagitan ng kaniyang mga kaanak.
“Yes, I’m asking the NBI to contact his family, so that they can know his whereabouts,” saad ni Remulla dahil sa patuloy na pananahimik ng opisyal pati na ang hindi pagdalo at pagpapadala ng abogado sa isinagawang preliminary investigation sa dalawang kaso ng murder laban sa kaniya nitong nakaraang Miyerkules.
Hindi na mahagilap si Zulueta nitong kaagahan ng Nobyembre makaraang ituro siya na isa sa utak ng pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa at inmate na si Jun Villamor.
Samantala, matabang naman si Remulla sa panukala na gawing bukas sa publiko ang susunod na preliminary investigation sa Disyembre 5 dahil sa pagkakaroon pa rin umano ng “privacy rights” ng mga akusado.
“Kasi may presumption of innocence. ‘Pag ginawa natin ‘yan parang tayo nagko-condemn ng tao kaagad. We don’t really want to make a spectacle of that proceeding,” ayon sa kalihim.
- Latest