^

Metro

Maynilad magbibigay ng 2-cubic meter rebate sa mga kostumer na naapektuhan ni ‘Paeng’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng 2-cubic meter rebate o halagang P50.00 sa kanilang December 2022 water bill ang may 35,000 Maynilad customers  na naapektuhan ng matinding pagbaha dahil sa bagyong Paeng.

Ito ay makaraang maglaan ang  Maynilad  ng  P1.7 million assistance para punan ang average cost  ng 2-cubic meter consumption ng naturang mga customers sa Muntinlupa at Pasay sa Metro Manila at sa  Bacoor, Imus, Kawit, at  Noveleta sa   Ca­vite Province. 

 Ang rebate  ay ibabawas sa halaga ng water bill  ng mga kostumer . Gumamit ng tubig ang mga customers sa paglilinis ng kanilang bahay mula sa pagbaha na epekto ng nagdaang bagyong Paeng.

 “We hope that this assistance, however small, will be of some help to our customers as they reco­ver and rebuild their homes that were affected by floods at the height of Typhoon Paeng,” pahayga ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez .

 Pinapurihan naman ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Re­gulatory Office (MWSS-RO) Chief Regulator Atty. Patrick Lester Ty  ang hakbang na ito ng Maynilad para makatulong sa mga binaha ng bagyong Paeng.

TYPHOON PAENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with