^

Metro

Manila North Cemetery muling isinara

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manila North Cemetery muling isinara
In preparation for the upcoming All Souls Day on November 2, some visitors are seen at the Manila North Cemetery on October 8, 2022.
STAR/Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng ten­syon sa entrada ng Manila North Cemetery kahapon dahil sa pagkadismaya ng marami makaraang ipagbawal na ng pamunuan nito ang paglilinis, pagpipintura at renobasyon ng mga puntod.

Naging mahigpit ang inspeksyon ng mga tauhan ng pamunuan ng MNC nang harangin at ipagbawal na makapasok ang anumang gamit panglinis at pintura na bitbit ng mga taong nais makapasok.

Tanging mga indibiduwal na dadalaw para magdasal at makilibing lamang ang pinayagang makapasok sa sementeryo.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang kaanak ng mga nakalibing lalo na ang galing pa sa malalayong lugar sa pagbabawal na ito sa kabila na matagal na itong inanunsyo ng pamunuan ng Manila North Cemetery.

Ang iba naman ay naunawaan ang polisiya lalo na ang mga may inaarkilang caretaker ng mga puntod ng mga kaanak.

Humingi ng pang-unawa ang pamunuan ng Manila North Cemetery para maaga umanong ma-organisa ang sementeryo bago ang inaasahang buhos ng mga gugunita ng Undas mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

“Hanggang October 25 lang po talaga magli­nis, bukod do’n wala na po kaya po hinaharang namin sila sa gate,” ayon kay Elmer Quintos, offi­cer-in-charge ng Manila North Cemetery Security.

vuukle comment

MANILA NORTH CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with