Libu-libong government workers, nakinabang sa libreng sakay
MANILA, Philippines — Libu-libong mga government employees ang naserbisyuhan ng libreng sakay sa railway lines kahapon kasabay sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service anniversary sa bansa.
Bilang pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa, libre ang pagsakay kahapon sa mga tren ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-2 (LRT-2) at Philippine National Railways.
Ang free ride sa MRT-3 at LRT-2, ay nagsimula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at naulit at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Samantala, ang pagsakay sa tren ng PNR ay libre sa buong araw mula sa una at huling biyahe sa lahat ng operational routes nito.
- Latest