‘No contact apprehension’, aarangkada sa Quezon City simula sa Hulyo 1
MANILA, Philippines — Sisimulan nang ipatupad sa Quezon City ang ‘no contact apprehension’ program simula sa Hulyo 1, 2022.
Sa ilalim ng programang ito, ang sinumang motorista na lalabag sa batas trapiko at ordinansa ng pamahalaang lungsod ay mahuhuli sa pamamagitan ng Traffic Enforcement cameras.
Ang mga motoristang mahuhuli sa ilalim ng programa ay makakatanggap ng Notice of Violation at pagmumultahin base sa QC Ordinance No. SP 3052 S-2021.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte na malaking tulong ang pagkakaroon nito para mapigilan na rin ang korapsyon sa kalsada at magdidisiplina sa mga driver para hindi lumabag sa batas trapiko kahit walang mga nakatalagang traffic enforcers sa isang lugar.
Mayroong mga nakakabit na camera sa bawat mga lugar sa QC para matukoy ang mga traffic violator.
- Latest