^

Metro

Underground works sa Metro Manila subway, sinimulan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang aarangkada na sa 2025 ang kauna-unahang underground railway system sa Pilipinas.

Kahapon, Araw ng Kalayaan, naiposisyon na ang tunnel boring machine ng Metro Manila subway project.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang na­nguna sa lowering o pagbaba ng nasabing machine sa Brgy. Ugong, Valenzuela City.

Ang naturang subway project ay pinondohan ng Japanese government. Nagkakahalaga ito ng P488 bilyon.

Ito’y may rutang mula Valenzuela City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minutong biyahe, inaasahang mapapabilis ng subway project ang biyahe mula Quezon City hanggang NAIA nang 35 minuto. Sa oras na maging operational ang subway, aabot sa 370,000 pasahero bawat araw ang kayang serbisyuhan nito.

Target na umarangkada ang partial operations nito sa 2025 at full operations sa 2027.

SUBWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with