^

Metro

Whistleblower na si Jun Lozada, utol inilipat na sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailipat na sa New Bilibid Prison (NBP) si NBN-ZTE whistleblower Jun Lozada at kaniyang kapatid na kap­wa convicted sa kasong katiwalian kaugnay sa pag-aaward ng leasehold right ng public land noong 2007.

Itoy matapos na matanggap na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang commitment order mula sa korte na nag-aatas na ilipat sa NBP mula sa NBI custodial facility si Lozada at kapatid nito na kapwa nahatulan ng 6-10 taon na maximum imprisonment.

May kinalaman ito sa kasong graft nang siya ay president at dating chief executive officer ng Philippine Forest Corporation (PhilForest).

Wala naman aniyang pinagsisisihan at sakit na nararamdaman maliban sa sama ng loob kung bakit pati ang kapatid ay na-convict sa kaso. Pinasalamatan niya rin ang mga sumusuporta sa kaniya at hiniling na patuloy siyang ipagdasal.

Bago ilipat sa NBP, dumaan muna ang magkapatid sa medical examination at RT-PCT tests kung saan sila nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon naman sa Bureau of Corrections (BuCor), maaa­ring mag-aplay ang magkapatid na Lozada sa Good Conduct and Time Allowance para mapaiksi ang kanilang pagkakakulong.

Naniniwala si Lozada na ang naging desisyon ng Supreme Court ay may kinalaman sa pagbubunyag niya sa National Broadband Network (NBN) deal sa ZTE.

JUN LOZADA

NBP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with