^

Metro

Bus terminals dinagsa ng mga biyahero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bus terminals dinagsa ng mga biyahero
Passengers start arriving early while others spend the night to avoid the influx of commuters inside the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) in Parañaque City on Friday morning (May 6, 2022). The terminal administration is expecting an increase in volume of passengers over the weekend heading to their respective provinces to vote for the May 9 national and local elections.
Miguel De Guzman

Magsisiuwi ngayong halalan

MANILA, Philippines — Dumagsa na kahapon ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City na may ruta na papuntang Norte at Southern Tagalog na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong halalan.

Nagmistulang parang Pasko ang dami ng pasahero sa mga terminal kahapon, ilang araw bago ang halalan.

Ayon naman sa Lucena Lines Inc na may biyaheng Quezon pro­vince, sapat naman ang kanilang mga unit para punan ang lumaking demand ng mga pasahero na mag-uuwian ngayong weekend para sa halalan.

Patuloy ding ipinaiiral ang health protocols sa loob ng mga sasakyan tulad ng pagsusuot ng face mask.

Nagbabala naman ang Land Transportation Office (LTO) sa mga colorum vehicles na magsasamantala na magsakay ng mga pasahero na pupunta sa mga lalawigan at papasok ng Metro Manila at manini­ngil nang mahal.

Ayon sa LTO, iimpound ang sasakyan ng mga ito, bukod sa kaukulang penalty ang kanilang kakaharapin.

Nagpakalat na rin ng tauhan ang LTO sa iba’tibang lugar sa Metro Manila para alalayan ang mga sasakyan na magsisipagbihaye.

Hinikayat din ng LTO ang mga bus companies na tiyakin munang road worthy ang mga sasakyan bago umarangkada sa pamamasada ang kanilang sasakyan para sa ligtas na paghahatid ng mga pasahero sa kanilang destinasyon.

BUS TERMINAL

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with